670 reserved force ng PNP, magbibigay suporta sa mga pulis na naka-deploy sa mass protest ngayong araw

Aabot sa 670 na pulis mula sa iba’t ibang unit ang nakaalerto sa Philippine National Police para umantabay o magbigay suporta sa mga pulis na naka-deploy para sa mass protest ngayong araw.

Ayon kay Senior Supt. Oliver Enmodias ng Directorate for Personnel and Records Management, magsisilbing augmentation force ang naturang mga pulis sakaling magpasaklolo ang National Capital Region Police Office.

Mananatili muna sa Crame ang mga pulis at nakaposte ito sa paligid ng bisinidad para kapag tinawag ay makatakbo agad.

Para hindi naman mainip ang mga pulis na nakaantabay, may banda at free fishball na offer sa mga pulis.

Samanatala, stand by na sa Luneta ang 600 pulis mula sa Civil disturbance management Unit, 400 pulis sa may US embassy area, 100 sa mendiola, bukod pa sa mga nakposte sa mga gate ng malakanyang.

Read more...