Rep. Karlo Nograles, nanawagan na maging mahinahon ang mga nakikiisa sa kilos protesta sa Luneta
Nanawagan si Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa mga lalahok sa protesta sa Luneta na maging mahinahon at iwasang magkaroon ng tensiyon.
Sinabi ni Nograles na ang pagdeklara ni Pangulong Duterte ng National Day of Protest ngayong araw ay patunay lamang na hindi ito naninikil ng karapatan ng publiko para magprotesta at para maglabas ng hinaing sa gobyerno.
Aniya hindi hindi gawain ng isang diktador ang ginawang deklarasyon ng pangulo.
Ang hakbang na ito ng pangulo ay dapat umanong tapatan ng mga raliyista ng maayos na mobilisasyon at hindi dapat abusuhin.
Dapat lamang aniyang tandaan ng mga raliyista bagamat mayroon silang karapatan na magprotesta ay may limitasyon pa din ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.