Kapalpakan sa pagtugon sa mga traffic accidents, inamin ni Almendras

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2015 - 09:23 AM

11349070_913301832069410_2089004226_n
Kuha ni Jun Corona

Aminado si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na palpak ang naging pagtugon kahapon sa mga aksidenteng naitala sa EDSA sa unang araw ng pagmamando ng traffic ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG).

Ayon kay Almendras, nagkaroon ng kalituhan dahil inakala na dahil HPG na ang nagmamando ng traffic sa kahabaan ng EDSA ay sila na rin ang mag-iimbestiga sa lahat ng traffic na maitatala.

Inihalimbawa ni Almendras ang aksidente na naganap kahapon sa bahagi ng P. Tuazon sa EDSA kung saan tumagal bago naialis sa lugar ang sangkot na dalawang sasakyan dahil nalito kung sino ang mag-iimbestiga.

Bilang tugon sa nasabing karanasan, sinabi ni Almendras na nakipag-ugnayan na sila sa mga local police districts para magtalaga sila ng traffic investigator sa lugar na kanilang nasasakupan. “Pasensya na po, patawarin nyo na lang kami, nung inilipat kasi sa HPG ang pagmamando ng traffic, inassume na ang HPG na rina ng mag-investigate sa traffic accident,” ayon kay Almendras.

Samantala, sinabi ni Almendras na nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga aksidenteng naitala sa EDSA kahapon.

Mula kasi sa dating 30 hanggang 40 na aksidente kada araw ay 23 lamang ang naitalang aksidente sa EDSA sa unang araw ng HPG.

Umaasa si Almendras na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng mga aksidente sa EDSA.

TAGS: HPGonEDSA, HPGonEDSA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.