Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa pro-Duterte rally sa Plaza Miranda sa Maynila.
Paliwanag ng kalihim, binibigyan lamang nila ng lugar ang publiko na ihayag ang kanilang saloobin, kabilang na ang pagsuporta sa mga programa at advocacies na isinusulong ng Administrasyong Duterte.
Ani Cusi, kadalasang ang mga nambabatikos lamang ang nakakapagpahayag. Sinabi niya sa pagkakataong ito, pinaiiral ang demokrasya kung saan lahat ng panig ay binibigyan pagkakataon na magpahayag.
Kasabay nito, hinimok din ni Cusi ang tinawag niyang “mayorya” na magsalita, at huwag manahimik.
Sa pagtaya ng Manila Police District, hindi bababa sa 7,000 katao ang dumalo sa pro-Duterte rally sa Plaza Miranda.
MOST READ
LATEST STORIES