Nasugatang pulis sa anti-drug operations sa Caloocan, pinarangalan ng PNP

By Mark Gene Makalalad September 21, 2017 - 12:57 PM

Ginawaran ng parangal na “Medalya ng Sugatang Magiting” ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa si PO1 Ronald Anicete, ang pulis na nasaksak matapos manlaban ang drug suspect na si Cesar Ariola sa Caloocan.

Sa kanyang pagbisita sa Chinese General Hospital, kinilala ni Dela Rosa ang kabayanihang ginawa ni Anicete makaraang malagay sa panganib ang buhay nito dahil sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

Kasabay ng paggawad ng medalya, iniangat na rin sa PO2 ang ranggo ni Anicete.

Pinagkalooban din ito ng 9MM na baril at cash gift.

Ayon kay Dela Rosa, dapat tularan ng kanyang mga kabaro ang ginawa ni Anicete.

Nagpapatunay din aniya ito na hindi naman lahat ng pulis Caloocan ay puro kalokohan kundi karamihan sa kanila ay gumagawa rin ng kabutihan.

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan police, Medalya ng Sugatang Magiting, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, caloocan police, Medalya ng Sugatang Magiting, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.