Pro-Duterte groups nagtipun-tipon na rin sa sa Plaza Miranda

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2017 - 12:42 PM

Inquirer Photo | Jovic Yee

Nagsimula nang magtipun-tipon sa Plaza Miranda sa Quiapo Maynila ang mga pro-Duterte group.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng partido ng pangulo na PDP-Laban.

Inquirer Photo | Jovic Yee

Sunud-sunod na dumating sa Plaza Miranda ang mga bus sakay ang mga government worker at mga barangay volunteer mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan gaya ng Valenzuela City, Caloocan City, San Jose Del Monte at Olongapo City.

Kasarama rin sa mga dumating ang grupo ng mga anti-drug advocate.

Maliban sa mga nakalatag na programa, nagtayo din ng “presidential complaint desk” sa lugar.

Namamahagi ng complaint forms sa mga dumadalo sa pagtitipon kung saan maari nilang isulat ang kanilang mga hinaing na ipararating naman kay Pangulong Duterte.

Isinara naman sa traffic ang tatlong linya ng Quezon Boulevard dahilan para magsikip ang daloy ng traffic sa Quiapo area.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: national day of protest, Plaza Miranda, pro duterte, Radyo Inquirer, national day of protest, Plaza Miranda, pro duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.