Alas 9:00 pa lamang ng umaga, nakahalera na ang mga nagkilos protesta.
Ayon sa grupo, kinokondena nila ang tila mala diktadurya na pamamaplakad ng Duterte administration.
Tila kasi nagiging katulad na umano ito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pagigiit nila, dahil sa martial law sa Mindanao at war on drugs ng pamahalaan, parami na ng parami ang nabibiktima nang pang-aabuso sa karapatang pantao lalong lalo na yung mga mahihirap at maliliit na tao.
Ipinunto rin ng grupo ang mga political detainees na hindi pa rin nakakalaya sa ngayon kung saan 54 sa mga ito ay mula Timog Katagalugan.
Matapos ang programa sa Camp Aguinaldo nagtungo na sa University of Santo Tomas ang grupo sakay ng nasa 30 arkiladong jeep.