WATCH: Pro-Duterte groups na kinabibilangan ng mga OFWs, nagtitipun-tipon na sa Liwasang Bonifacio

By Ricky Brozas September 21, 2017 - 09:04 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Maagang nagtipun-tipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 400 na mga dati at kasalukuyang OFWs kasama ang ilang nag-aapply pa lamang ng trabaho sa ibang bansa ang nagsama-sama para ipakita anila ang suporta sa pangulo.

Sa mga bitbit na placard, na sari-sarili nilang gawa, mababasa ang mga salitang “We believe in your hope and action”, “We love and support Du30” at “OFW needs your support, President Duterte”.

Pawang nakasuot ng kulay puti na t-shirt ang mga OFWs na karamihan ay galing sa Qatar, Hong Kong at Kuwait.

Ayon sa grupo, nais nilang ipakita ang kanilang pwersa bilang pasasalamat sa suporta ni Pangulong Duterte sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.

Mula sa Liwasang Bonifacio ay magmamartsa sila mamaya patungo sa Rizal Park para doon ituloy ang programa.

TAGS: Liwasang Bonifacio, manila, metro news, national day of protest, OFWs, Radyo Inquirer, Rally, Liwasang Bonifacio, manila, metro news, national day of protest, OFWs, Radyo Inquirer, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.