Ikalawang araw ng HPG sa EDSA, PNP Chief na-traffic papuntang Cubao

By Erwin Aguilon September 08, 2015 - 09:17 AM

marquez
Jullianne de Jesus / Inquirer.net

Umabot na apatnapu’t limang minuto ang biyahe ni Philippine National Police (PNP) Chief Ricardo Marquez mula sa EDSA Balintawak patungo sa EDSA Cubao.

Personal na pinangunahan ni Marquez ang pag-iinspeksyon sa daloy ng trapiko sa EDSA para maranasan ang biyahe sa ikalawang araw ng pagmamando ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG).

Ayon kay Marquez, sa ikalawang araw ng HPG sa EDSA, isa sa mga nakita nilang matinding problema ay hindi ang Balintawak at hindi rin ang Taft, kundi ang bahagi ng Kamuning hanggang sa Santolan Flyover.

Sa ngayon, sinabi ni Marquez na may mga pinag-aaralan na silang hakbang para matugunan ang mga naranasang problema sa unang dalawang araw ng HPG sa EDSA.

Kabilang dito ang posibleng pagsasara sa ilang u-turn slots, at pag-aalis ng ilang mga bus stops.

Isa sa mga tinukoy ni Marquez ang U-turn slot sa bahagi ng Trinoma sa Quezon City na ang mga sasakyang galing sa North Avenue na kailangang magtungo sa EDSA Southbound ay nakahaharang sa mga sasakyang pa-northbound para agad silang makapunta sa U-turn slot.

“Pag-aaralan lahat iyan titiginan natin ng ilang araw, mayroon talagang traffic engineering issue, sa Balintawak may kinakananan doon ang mga sasakyan nakaka-epekto sa traffic ‘yun, ang U-turn slot sa Trinoma, galing ka ng West, bigla ka mag U-turn, made-delay mo ang mga pa-Northbound,” ayon kay Marquez.

Kasabay nito sinabi ni Marquez na inaasahan nilang magpapatuloy ang kooperasyon ng mga motorista sa mga tauhan ng PNP-HPG.

Ayon kay Marquez, dapat mapagisip-isip ng mga motorista na ito na ang ‘tamang panahon’ para sumunod sa batas trapiko.

TAGS: PNP chief caught in traffic along edsa, PNP chief caught in traffic along edsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.