WATCH: Sasakyan inararo ang mga fence sa EDSA; isa pang sasakyan, bumaligtad naman sa Brgy. Pag-asa, QC

By Justinne Punsalang September 21, 2017 - 08:39 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Dalawang magkahiwalay na aksidente ang naitala sa Quezon City.

Isang sasakyan ang umararo sa mga wire fence ng Metropolitan Manila Development Authoruty (MMDA) malapit sa Farmers Market.

Nagawang tumagos ng isang sasakyan sa kabilang linya ng EDSA northbound sa pagitan ng P. Tuazon at McArthur street sa Cubao, Quezon City, matapos nitong araruhin ang wire fence ng MMDA.

Isang orange na Hyundai Tucson na may plakang ABE 5818 ang minamaneho ni Sophia Francesca Lu ang sangkot sa aksidente.

Sa pagsagasa ni Lu sa mga wire fence ay nasagi rin nito ang side mirror ng isang Isuzu Elf truck na may palakang AAX 7611 at minamaneho ni Eric Lujapa.

Ayon sa kaibigan ni Lu na nagpakilala lamang sa pangalang Mark, naka-convoy sila ng kaibigan at naggaling pa umano sila sa Alabang, Muntinlupa.

Dagdag pa nito, bagong driver lamang si Lu at posibleng dahil sa pagod sa byahe ay nawalan ito ng kontrol sa manibela na nagresulta sa pag-araro sa mga bakod.

Nagkaayos naman na si Lu at Lupaja sa pamamagitan ni Mark, na sinabing sasagutin nila ang pagpapaayos ng side mirror ng truck.

Samantala, dinala naman sa Camp Karingal ang Hyundai Tucson na sira ang kanang bahagi ng bumper at putok ang gulong.

Ayon sa mga rumespundeng traffic police, posibleng makasuhan si Lu ng Reckless imprudence resulting to damage to government property.

Samantala, aminado naman ang isang driver na sya ay nakatulog habang binabagtas ang kahabaan ng Road 1 sa Barangay Bagong Pag-asa sa lungsod Quezon, dahilan upang mabangga nito ang isa pang sasakyan bago bumaligtad sa gitna ng kalsada.

Kuha ni Justinne Punsalang

Ayon sa driver, galing siya sa isang company event sa Ortigas at medyo nakainom pa.

Pauwi na aniya siya sa kanyang tinitirhang apartment sa Road 13 na halos katabi lamang ng pinangyarihan ng insidente.

Aniya, posibleng naka-idlip siya dahil sa pagod habang minamaneho ang kanyang itim na Kia Sportage na may conduction sticker number EF 5520, dahilan para bumangga ito sa isang itim na Toyota Corolla na may plakang WLE 110.

Sa lakas ng pwersa ay nagawang masira ang likurang bahagi nito at matulak paharap na naging sanhi para naman bumangga ito sa pulang Nissan Sentra na may plakang GHA 582.

Ayon kay Roanne Ignacio, nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig nito ang tila pagsabog at nakita ang umuusok na sasakyan. Nakita rin niya na mag-isang gumagapang palabas ng kotse ang driver.

Nagtamo ng minor injuries ang driver at handa naman itong sagutin ang gastos para sa mga nasirang sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, metro news, quezon citiy, Radyo Inquirer, accident, metro news, quezon citiy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.