Panukalang pagpapaliban ng Bgy at SK polls, pinagtibay sa Senado

By Ruel Perez September 21, 2017 - 12:09 AM

 

Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Oktubre ngayong taon.

Labimpitong senador ang pumabor sa panukala habang si Senador Risa Hontiveros lamang ang tanging tumutol.

Sa inaprubahang bersyon ng Senado, hindi isinama ang probisyon na magpapahintulot kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint ng mga OIC o officers-in-charge sa mga barangay.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon tinanggap ng mayorya ang kanilang amyenda na tanggalin ang Section 3 o appointment ng barangay officials dahil isa raw ito sa nakikitang paraan para sa posibleng deklarasyon ng martial law.

Sa inaprubahang panukala, sa halip na sa Oktubre, isasagawa ang eleksyon sa huling lunes ng Mayo sa 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.