Ito’y upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng umano’y hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.
Ayon kay Escudero, kailangang humarap sa pagdinig si Divina hindi lang dahil siya ang Dean ng UST Faculty of Civil Law kundi siya rin ay senior brod o member ng Aegis Juris Fraternity.
Sa resolusyon na ihinain ni Sen. Migz Zubiri, hiniling na imbestigahan ang kaso ni Atio ng Senado at kanina inirefer ito sa Senate Committee on Public Order na pinangungunahan ni Sen. Ping Lacson
Sa kanyang privilege speech kinuwestyon din ni Zubiri ang pagsuspendi ni Divina sa mga miyembro ng Aegis Juris matapos madiskubre ang insidente.
Kasabay nito ang panukala na ibasura na ang RA 8049 o Anti-hazing Law at palitan ng panukala ni Sen. Sherwin Gatchalian na totally magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng hazing.