Pagkamatay ng UST law student sa hazing iimbestigahan ng Senado

By Ruel Perez September 20, 2017 - 08:48 PM

Iminungkahi ni Sen Chiz Escudero na ipatawag sa gagawing pagdinig ng Senado si UST Civil Law Dean Nilo Divina.

Ito’y upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng umano’y hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Escudero, kailangang humarap sa pagdinig si Divina hindi lang dahil siya ang Dean ng UST Faculty of Civil Law kundi siya rin ay senior brod o member ng Aegis Juris Fraternity.

Sa resolusyon na ihinain ni Sen. Migz Zubiri, hiniling na imbestigahan ang kaso ni Atio ng Senado at kanina inirefer ito sa Senate Committee on Public Order na pinangungunahan ni Sen. Ping Lacson

Sa kanyang privilege speech kinuwestyon din ni Zubiri ang pagsuspendi ni Divina sa mga miyembro ng Aegis Juris matapos madiskubre ang insidente.

Kasabay nito ang panukala na ibasura na ang RA 8049 o Anti-hazing Law at palitan ng panukala ni Sen. Sherwin Gatchalian na totally magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng hazing.

TAGS: castillo, escudero, hazing, Senate, UST, zubiri, castillo, escudero, hazing, Senate, UST, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.