May kaugnayan pa rin ito sa pagkamatay dahil sa hazing ng freshman law student ng University of Sto. Tomas na si Horacio Tomas Castillo III.
Kabilang sa mga ipinamo-monitor sa Immigration Bureau ay sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Mundo Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Jason Adolfo Robiños, at Ralph Trangia.
Isinama rin sa lookout bulletin sina Ranie Rafael Santiago, Danielle Hans Mattew Rodrigo, Carl Mattew Villanueva, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat at John Paul Solano.
Si Solano ang sinasabing nagdala sa Chinese General Hospital makaraan umano niyang makitang inabandona sa bahagi ng Balut, Tondo sa Maynila ang katawan ng biktimang si Castillo.
Umapela rin sa publiko si Aguirre na makipag-ugnayan sa kanila ang sinumang may nalalaman sa mga pangyayari na naging dahilan ng kamatayan ng 22-ayos na law student.
Bukod sa PNP ay nagsasagwa na rin ng parallel investigation ang NBI upang alamin ang mga nasa likod ng hazing na naging dahilan ng kamatayan ni Castillo.