PNP handa sakaling magkagulo sa mga kilos protesta bukas

By Mark Makalalad September 20, 2017 - 03:38 PM

All set na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police sa darating na mass protest bukas September 21.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, nakahanda na ang Task Force Manila Shield na sasalubong sa hindi bababang 10,000 raliyista sa paggunita ng ika-45 taon na anibersaryo ng Martial Law.

Paliwanag ni Albayade, naka stand by na sa Luneta ang 600 pulis mula sa Civil Disturbance Management Unit, umaabot naman sa 400 pulis ang itatalaga sa paligid ng U.S Embassy, samantalang 100 sa Mendiola bukod pa sa mga nakposte sa mga bisinidad ng Malacañang.

Nakahanda na rin daw ang augmentation force mula sa PNP Regional Office 3 at Regional Police Office 4 sakaling kailanganin.

Mahigpit din nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga raliyista at titiyakin na hindi na mauulit pa ang nangyari sa Hacienda Luisita at Kidawapawan kung saan naging madugo ang dispersal.

Pagtitiyak pa ng opisyal, walang dalang baril ang mga pulis na nasa forefront ng ide-deploy bukas at tanging shield lamang ang bitbit ng mga ito.

Kasunod nito, sinabi ni Alyalde na bineberipika pa nila ang ulat na may anim na barko ang umano’y inupahan ng mga kritiko ng Administrasyon na kinargahan sa Visayas at Mindanao para lumahok sa rally

Gayunman, kanyang sinabi na anuman ang mangyari ay handa sila sa “worst case scenario”.

TAGS: albayalde, national day of protest, NCRPO, PNP, albayalde, national day of protest, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.