Permanent appointment ni Cimatu sa DENR ipinagpaliban ng C.A

Hindi pa tuluyang nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu.

Itoy sa kabila naman ng ipinahayag na tiwala ng C.A member na si Sen. Gringo Honasan na madaling makalulusot ang kumpirmasyon ng opisyal sa nasabing komisyon.

Ayon kay Honasan, kumpyansa sya sa kakayahan at integridad ni Cimatu na isinalang sa confirmation hearing ng Commission on Appointments ngayong araw.

Si Cimatu ay graduate Philippine Military Academy (PMA) Class of 1970, isang taong senior kina Sen. Panfilo Lacson at Honasan at siyang pumalit sa noon ay nareject na kalihim ng DENR na si Gina Lopez.

Muling ipagpapatuloy ang confirmation hearing ni Cimatu sa Commission on Appointments susunod na linggo.

Nauna nang sinabi ni Cimatu na nakahanda siyang sagutin ang mga isyung ipinupukol sa kanya sa kanyang muling pagdalo sa confirmation hearing.

Read more...