Pangulong Aquino, haharap sa Inquirer multimedia

pnoy
Inquirer File

Si Pangulong Benigno Aquino III ang panauhin sa “Meet Inquirer” ngayong araw na gaganapin sa Philippine Daily Inquirer sa Chino Roces Avenue, Makati City.

Ang Pangulo ay haharap sa mga reporters, columnists, editors at anchors ng lahat ng Inquirer platforms na kinabibilangan ng Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net, Inquirer Social Media, Inquirer Mobile at Radyo Inquirer.

Mapapakinggan din ito ng live sa Radyo Inquirer 990khz at sa radyo.inquirer.net mula ala 1:00 hanggang alas 2:00 ng hapon.

Maari ding subaybayan ang takbo ng panayam kay Pangulong Aquino sa pamamagitan ng twitter accounts ng Radyo Inquirer na @dziq990.

Bukas ang nasabing panayam sa mga netizens na nais magtanong sa Pangulo. “Netizens are welcome to join by posting questions to INQUIRER accounts on social media,”

Gamit ang hashtag na #MeetInquirer maaring i-post ang tanong sa twitter accounts ng mga Inquirer platforms.

Read more...