Pasok sa lahat ng korte sa buong bansa, suspendido na rin bukas
Sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa bukas, araw ng Huwebes, September 21.
Iniutos ni Supreme Court Acting Chief Justice, Senior Associate Justice Antonio T. Carpio, ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng korte sa buong bansa matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Day of Protest.
Sinabi ni Carpio na bagaman sa inilabas na memorandum circular ng Malakanyang ay pawang executive branch lamang ang sakop ng idineklarang government suspension, kinakailangan ding suspindihin ang pasok sa mga korte.
Ang 70% kasi ng mga korte sa buong bansa ay nasa mga gusaling pag-aari ng LGUs ang opisina.
Nananatili namang wala pang anunsyo ang Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso kung magsususpinde rin sila ng pasok bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.