Bumoto ang 26 na miyembro ng house committee sa pagbasura sa reklamo dahil sa ‘insufficiency in form’.
Tanging dalawang miyembro lang ng panel ang nagsabi na ‘sufficient in form’ ang impeachment complaint, ito ay sina Deputy Speaker Gwen Garcia at Kabayan Rep. Harry Roque na kapwa nag-endorso sa reklamo.
Dahil sa pagbasura, magkakaroon ng isang taong immunity si Bautista, o hindi siya masasampahan ng impeachment complaint sa loob ng isang taon.
Gayunman, maari pa namang mabaligtad ang pasya ng komite pagdating sa plenaryo kung makakakuha ng 1/3 ng boto ng lahat ng miyembro ng Kamara.
Ang nasabing reklamo ay inihain laban kay Bautista dahil sa umano ay betrayal of public trust at culpable violations ng Konstitusyon nang magsinungaling umano ito sa kaniyang SALN.