Impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista, ibinasura ng komite sa Kamara

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon September 20, 2017 - 12:08 PM

Ibinasura ng komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Bumoto ang 26 na miyembro ng house committee sa pagbasura sa reklamo dahil sa ‘insufficiency in form’.

Tanging dalawang miyembro lang ng panel ang nagsabi na ‘sufficient in form’ ang impeachment complaint, ito ay sina Deputy Speaker Gwen Garcia at Kabayan Rep. Harry Roque na kapwa nag-endorso sa reklamo.

Dahil sa pagbasura, magkakaroon ng isang taong immunity si Bautista, o hindi siya masasampahan ng impeachment complaint sa loob ng isang taon.

Gayunman, maari pa namang mabaligtad ang pasya ng komite pagdating sa plenaryo kung makakakuha ng 1/3 ng boto ng lahat ng miyembro ng Kamara.

Ang nasabing reklamo ay inihain laban kay Bautista dahil sa umano ay betrayal of public trust at culpable violations ng Konstitusyon nang magsinungaling umano ito sa kaniyang SALN.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: andres bautista, Impeachment complaint, Radyo Inquirer, andres bautista, Impeachment complaint, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.