Kalamansig, Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 7:22 ng umaga ng Miyerkules (Sept. 20) sa 29 kilometers South ng Kalamansig.

Tectonic ang origin n lindol at may lalim na 6 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, dahil sa nasabing lindol, naitala ang intensity IV sa Kalamansig at Lebak, Sultan Kudarat.

Habang intensity II naman sa Lake Sebu, South Cotabato.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

 

 

Read more...