WATCH: Dalawa, arestado matapos mahuli sa aktong gumagamit ng marijuana sa QC

By Justinne Punsalang September 20, 2017 - 10:39 AM

Kuha ni JUstinne Punsalang

Arestado ang dalawang suspek matapos mahuli ang mga ito sa aktong gumagamit ng marijuana sa loob ng sasakyan sa 15th Avenue canto ng Main Avenue sa Barangay Socorro, Quezon City.

Kinlala ang mga suspek na sina Marcopolo Cayso at Jerrybe Araojo, tatlumput isang taong gulang at residente ng Marikina City. Si Araojo ay isang TNVS driver.

Sa pagsasalaysay ni Cayso, inamin nito na gumagamit sila ni Araojo ng marijuana habang nag-iinuman ngunit aniya, hindi sila nagbebenta ng iligal na droga.

Samantala, ayon kay Police Superintendent Benjie Tremor, station commander ng QCPD Station 7, gabi-gabing nag-iikot ang kanilang mga kapulisan upang masawata ang mga lumalabag sa batas at curfew, at mga gumagamit at tulak ng iligal na droga.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2 arrested in quezon city, metro news, Radyo Inquirer, 2 arrested in quezon city, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.