LOOK: Listahan ng suspensyon ng klase bukas, araw ng Huwebes, Sept. 21
Dahil sa inaasahang mga kilos protesta sa Metro Manila at sa iba’t iba pang bahagi ng bansa, marami nang paaralan ang nagdeklara ng suspensyon ng klase bukas, September 21.
Ito ay makaraang tanging ang klase lamang sa mga pampublikong paaralan kasama ang mga State Universities and Colleges ang suspindihin ng Malakanyang base sa inilabas nilang memorandum circular.
Narito ang listahan ng mga nagsuspinde ng klase para bukas:
- Scholastica’s College Manila
- De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) – classes and office operations
- UP Diliman – classes and office
- Letran Manila
- Paul College, Pasig
- Colegio San Agustin – Makati
- Lourdes School of QC
- James Academy, Malabon
- Tiong Se Academy
- Angelicum College – QC
Bukas ay gugunitain ang ika – 45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law sa bansa.
Inaasahang marami ang magpoprotesta sa mga lansangan na maaring magresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.