WATCH: Binatilyo, patay matapos masagasaan ng tren sa Maynila

Patay ang 16-anyos na binatilyo matapos masagasaan at makaladlad ng tren ng Philippine National Railways sa España, Maynila.

Nakaladkad pa ang biktimang si John Genesis Monsayac ng aabot sa 150 metro ang layo matapos siyang masagasaan ng tren habang papatawid sa riles.

Nag-aaral umano sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang binatilyo.

Ayon sa mga nakasaksi, nakasuot ng headset ang lalaki kaya maaring hindi nito narinig ang busina ng tren.


 

Read more...