Walong magbabarkada, arestado matapos mauwi sa rambol ang kanilang inuman
Nagsisigawan pa ang walong magbabarkada nang dalhin sila ng mga otoridad sa Quezon City Police District Station 7 sa Cubao, Quezon City.
Ayon sa pagsasalaysay ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Manuel Burais, nag-iinuman silang magkakaibigan sa Pinatubo Street nang magkaroon ng initan sa pagitan ng grupo nila at isa pang grupo ng mga kalalakihan.
Nagresulta ito sa maliit na rambol, kung saan nagkasuntukan at nagkabatuhan pa umano sila ng bote.
Sa kalagitnaan ng rambol ay mayroong isang lalaki na nagbibisikleta na inakala ng mga kasamahan ni Burais na siyang sumuntok dito.
Kaya naman pinunterya ng mga ito ang bisikleta ni Christopher Gener.
Dito na rumesponde ang mga otoridad.
Ayon kay Gener, nadamay lamang siya sa gulo ng dalawang grupo at ang tanging gusto lamang nito ay mapa-ayos ang nasira nitong bisikleta.
WATCH: Walong magbabarkada, arestado dahil sa away-lasing sa Quezon City | @Justinne24 pic.twitter.com/QCtZdZ72fR
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 20, 2017
Walong magbabarkada, arestado dahil sa away-lasing sa Quezon City | @Justinne24 pic.twitter.com/x5iQB5OCVE
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 20, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.