WATCH: Uber driver na naghatid ng mga gamit ni Horacio Castillo III, nagpakita na sa MPD

By Cyrille Cupino September 20, 2017 - 07:03 AM

Kuha ni Jan Escosio

Humarap na sa Manila Police District ang Uber driver na nag-deliver sa bag ni Horacio Castillo III.

Ayon sa driver na tumangging magpakilala, Sabado ng hapon nang mag-book si Horacio at nagkita sila sa Dapitan, likod lamang ng UST.

Nakiusap umano ang 22-anyos na Law student na dalhin ang kanyang mga gamit sa kanilang bahay sa San Lorenzo Village sa Makati.

Pumayag naman umano ang driver matapos inspeksyunin ang laman nito, at dinala ang bag ni Horacio sa tahanan ng mga Castillo.

Kwento ng driver, tanging mga gamit lamang sa eskwela tulad ng mga notebook at mga papel ang nasa loob ng bag.

Kasambahay umano ng pamilya Castillo ang tumanggap ng bag ni Atio.

Napansin rin umano ng Uber driver na pawis na pawis at tila balisa si Horacio na noo’y mag-isa lang naman nang kanyang makita.

Ayon sa driver, tinawagan siya ng Uber Philippines upang malaman kung ano ang nangyari bago natagpuang patay si Castillo.

Handa rin umanong makipag-tulungan ang driver sa mga nag-iimbestiga upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng estudyante.

 

 

 

 

 

 

TAGS: aegis juris, hazing, horacio castillo, Uber driver, UST, aegis juris, hazing, horacio castillo, Uber driver, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.