Halos buong bansa, apektado ng Habagat

Apektado ng Habagat o Southwest Monsoon sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang Habagat ay maghahatid ng hanggang sa malalakas na pag-ulan at malakas na hangin at maaring magdulot ng flashflood sa Mindanao, Western at Central Visayas, MIMAROPA at lalawigan ng Masbate.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa at makararanas lamang ng isolated rainshowers sa hapon o gabi.

Sinabi ng PAGASA na sa susunod na dalawa hanggan tatlong araw ay walang aasahang bagyo sa bansa.

 

 

 

 

 

Read more...