Nakipagpulong si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa tatlong inaasahang kandidato sa pagkapangulo para sa 2016 Presidential Elections, na ginanap sa Catholic Bishops Conference of the Philippines Office sa Intramuros Manila.
Bandang alas singko ng hapon dumating si DILG Secretary Mar Roxas, samantalang mag aalas sais na nang dumating sina Vice President Jejomar Binay, at Senador Grace Poe.
Naghintay pa ng kaunting oras ang tatlong kandidato para kay Cardinal Tagle, na sa una’y nagkakahiyaan pang mag usap-usap.
Sa isang closed door meeting, isang pray-over ang isinagawa ni Cardinal Tagle, para sa susunod na mamumuno sa bansa.
Aniya, kailangang maihalintulad sa mga gawain ng Panginoon ang susunod na lider ng mamamayang Pilipino.
Isinagawa din ang isang informal healing session upang gabayan, at bigyan ng direksyon ang mga plano at paraan ng kanilang pamumuno.
Wala namang napag usapan ukol sa plataporma at mga programang nais isagawa ng mga kandidato.
Hindi naman nakarating na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil kapos na umano siya sa oras.
Bantay sarado naman ang kapulisan ng CBCP sa labas ng office.
Tumagal naman ang pagpupulong ng halos dalawang oras.