Kasong murder isinampa sa suspek sa pagpatay sa kolumnista sa Ilocos Norte
Kasong murder ang isinampa ng Provincial Prosecutor’s Office kay Oliver Doctor, matapos niyang patayin ang isang kolumnista ng Ilocos Times na si Steve Barreiro.
Kinumpleto na ng Philippine National Police (PNP) sa Pasuquin, Ilocos Norte ang lahat ng dokumento at ebidensyang magpapatunay sa kaso.
Kasama sa mga dokumento ay ang affidavit ng dalawang anak ni Barreiro na nakasaksi sa sitwasyon ng pagpatay ni Doctor sa kanilang ama, at nang may-ari ng establisimyento kung saan bumili ang mga ito ng kanilang kakainin bago mangyari ang insidente.
Patuloy namang pinaghahanap ng otoridad ang suspek nang tumakas ito pagkatapos pagbabarilin ng 9mm si Barreiro.
Ipinagutos naman ni Mayor Peter Felix Aguinaldo kay S/Insp Jayson Batuyong, chief of police ng PNP Pasuquin na pansamantalang ipatigil ang operasyon ng estabisimyento kung saan naganap ang insidente, upang maisagawa ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.