VP Binay, natawa lang sa balitang kaya siyang talunin ni Roxas sa 2016

June 08, 2015 - 07:47 AM

binay smiling
Inquirer file photo

Tinawanan lang ni Vice President Jejomar Binay ang pahayag ni Senate President Franklin Drilon na kaya siyang talunin ng standard bearer ng Liberal Party na si Secretary Mar Roxas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Binay na may kanya-kanya namang paniniwala ang lahat.

Nanindigan ang Pangalawang Pangulo na nananatiling marami ang naniniwala sa kanya batay na rin sa mga resulta ng mga nakalipas na survey.

Base sa pahayag ni Drilon,  bukod kay Binay ay kaya rin aniyang talunin ni Roxas si Senador Grace Poe na isa rin sa mga malalakas sa mga survey ngayon. / Jimmy Tamayo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.