Imbestigasyon ng Senado sa UST hazing victim hiniling
Hiniling ni Sen. Migz Zubiri na paimbestigahan sa Senado ang pagkamatay ng freshman law student na si Horacio Tomas Castillo III dahil umano sa hazing.
Sa ihinaing Senate Resolution 504, nais na matukoy ni Zubiri kung sinu-sino ang mga dapat managot sa pagkamatay ni Castillo na umanoy sumailalim sa welcome rites ng Aegis Juris Fraternity ng University of Sto. Tomas.
Suhestyon pa ni Zubiri, dapat umanong magtulungan ang Philippine National Police, ang mga prosecutors at ang husgado para halukayin ang mga tala at kaso ng pagkamatay kaugnay sa hazing sa nakalipas na 10 taon.
Hinala ni Zubiri, nananatiling unsolved ang mga nakalipas na mga kaso ng pagkamatay sa hazing dahil na rin sa proteksyon na ibinibigay sa mga suspek ng kanilang mga ka-miyembro na nasa PNP at nasa korte.
Samantala, iginiit naman ni Sen Gringo Honasan, na namatayan ng kapatid dahil sa fraternity hazing ang dagdag na pagbabantay sa lahat ng sektor.
Dapat umano na magtulungan ang mga magulang, school officials, mga estudyante at maging ang mga recognized na fraternities para di na maulit ang patuloy na pagkamatay ng mga kaawa-awang estudiante dahil sa hazing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.