Misis handang tumestigo sa impeachment complaint laban sa Comelec Chairman
Nakahandang humarap sa anumang impeachment proceedings ang maybahay ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Sa isang press conference dito sa Kamara sinabi ni Mrs. Patricia Bautista, ito ay upang patunayan na hindi hearsay ang mga nakalagay sa reklamong impeachment kay Bautista.
Umaasa naman si Bautista na gugulong ang hustisya sa House of Representatives at hahayaan syang tumestigo base sa dalawang grounds na nakasaad sa reklamo kung saan sya mayroong personal knowledge.
Ayon naman kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Ginang Bautista bagamat hindi kasama ang kanyang kliyente bilang complainant sa impeachment isinama naman ang kanyang affidavit na nagdedetalye ng nalalaman nya ukol sa ill-gotten wealth ng kanyang asawa.
Patotohanan anya niya sa komite ang kanyang nalalaman sa Statement of Assets and Liabilities and Networth o SAL ni Bautista at ang pagtaggap ng referral fee mula Divina Law para sa Smartmatic.
Kaya umano niyang patunayan na P1.2 Billion ang undeclared assets ni Bautista taliwas sa P176 Million na declared assets nito sa kanyang SALN.
Gayundin kaya nitong patunayan na may mga anomalya sa PCGG kung saan nagsilbing Chairman si Bautista at may misused at misappropriated na pondo mula sa nakuhang Marcos settlement kaya hindi nakakatanggap ang mga biktima ng Human Rights Victims noong Martial law.
Si Bautista ay nahaharap sa impeachment dahil sa betrayal of public trust at culpable violations of the Constitution dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang yaman sa kanyang SALN at akusasyon ng korupsyon sa Comelec.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.