PNP handa na sa Sept. 21 rallies, maximum tolerance ipatutupad
Nakahanda na ang puwersa ng Philippine National Police sa mga kilos protesta na gagawin sa September 21.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, bilang bahagi ng kanilang pagbibigay seguridad ay ang activation ng Task Force Manila Shield.
Dagdag pa ni Carlos, sapat at handa naman na ang kanilang pwersa sa gaganaping rally.
Gayunaman, nakahanda na rin daw ang mga augmentation force mula sa iba’t ibang rehiyon sakaling kailanganin ito ng National Capital Region Police Office.
Paiiralin pa rin daw ng PNP ang Maximum Tolerance ng mga raliyista.
Sa September 21, mismong anibersaryo ng Martial law, inaasahan ang may malaking pagtitipon sa Luneta hindi lang ng mga kontra sa Martial Law kundi mga kritiko din ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahayaan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga kilos protesta basta’t hindi ito pagmumulan ng mga kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.