Mga mambabatas pinagbawalang bisitahin si De Lima sa Camp Crame
Bigong masilayan ng dalawang mambatas at ilang miyembro ng ASEAN Parliamentarians on Human Rights si Sen. Leila de Lima sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Mag-aalas dos ng hapon, hinarang ng mga pulis sa Gate 2 Camp Crame sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Akbayan Rep. Tomasito Villarin at ang mga kasapi ng Malaysian Parliament.
Paliwanag sa kanila ng isang opisyal ng Headquarters Support Service, may utos umano mula sa itaaas na huwag silang papasukin dahil hindi aprubado ang kanilang hiling na pagbisita sa senadora.
Giit naman ng mga mambabatas, September 6 pa lamang ay nagpdala na sila ng liham para makadalaw, alinsunod na rin sa 10-day notice na requirement ng mga bibisita.
Ayon kay Baguilat at Vilalrin, nagtataka sila kung bakit hindi sila pinahintulutan, gayong maaga pa lamang ay nag-abiso na sila sa pamunuan ng PNP.
Samantala, makaraan ang ilang minuto, pinayagang makaausad sa labas ng custodial ang dalawa mambabatas at iba pa nilang kasamahan pero makaraan ang pakikipag negosayon ay di rin pinahintulutan ang kanilang kahilingan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.