WATCH: Mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity di dapat sinuspinde ng UST ayon sa MPD

By Ricky Brozas September 19, 2017 - 03:53 PM

Inquirer photo

Dismayado ang Manila Police District sa pagsuspinde ng pamunuan ng Iniversity of Sto. Tomas sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay MPD Spokesperson Erwin Margarejo, mas mahihirapan kasi ang mga otoridad na magsagawa ng imbestigasyon kung hindi papapasukin sa unibersidad ang mga miyembro ng nabanggit na kapatiran.

Sinabi pa ni Margarejo na hindi makatutulong sa pagsisiyasat ang pasya na masuspinde ang pagpasok ng mga miyembro ng fraternity sa school campus.

Samantala, ayon pa sa opisyal, sa katatapos na police conference ay inatasan sila ni MPD Director Joel Coronel na kalapin ang lahat ng mga ebidensiya sa pagkamatay ni Horacio Tomas Castillo III kabilang na ang mga CCTV footages sa Chinese General Hospital, ang Uber unit na sinakyan ng biktima at mga taong huling nakasama ni Castillo.

Sinabi din ng opisyal na cooperative naman at hindi nagtatago ang isa sa mga itinuturing posibleng maging susi sa krimen na nakilalang si John Paul Solano.

Ito’y dahil natatawagan umano nila ito sa telepono at nagpahayag naman ng kahandaan na makiisa sa imbestigasyon.

Aalamin din umano ng MPD kung maliban kay Castillo ay may iba pang miyembro ng fraternity na nasugatan o nasaktan sa initiation rites.

Naka-focus din ngayon ng imbestigasyon ang school authorities na maaring makapag bigay-linaw sa imbestigasyon.

Narito ang buong report ni Ricky Brozas:

TAGS: hazing, horacio castillo, MPD, UST, hazing, horacio castillo, MPD, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.