Dating Sen. Jinggoy Estrada, posible pang mabalik sa kulungan ayon sa Ombudsman

By Isa Avendaño-Umali September 19, 2017 - 12:33 PM

FB Photo Janella Ejercito Estrada

Maghahain ang Office of the Ombudsman ng motion for consideration kaugnay sa motion for bail ni dating Senador Jinggoy Estrada na pinagbigyan ng Sandiganbayan special 5th division.

Sa isang press conference, sinabi ni Special Prosecutor Edilberto Sandoval na alinsunod sa kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay maghahanin sila ng mosyong kumukontra sa pansamantalang kalayaan ni Estrada.

Ayon kay Sandoval, malaki ang posibilidad na mabalik sa kulungan si Estrada.

Maaari rin aniyang marecall ang desisyon ng Sandiganbayan, lalo’t may mabigat na ebidensya laban kay Estrada.

Katwiran pa ni Sandoval, hindi “applicable” sa kaso ni Estrada ang ruling ng Korte Suprema sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ibig sabihin, ani Sandoval, ay may malaking kwestyon sa pasya ng 5th division ng Sandiganbayan, lalo’t isang non-bailable case ang plunder na kinakaharap ni Estrada.

Malaking- malaki rin aniya ang pagkakaiba ng GMA case sa Estrada case.

Inhalimbawa ni Sandoval na ang GMA case ay inaakusahan ang mga public officers, habang sa Estrada case ay nakipagsabwatan ang mga opisyal ng pamahalaan sa pribadong tao.

Sa GMA case din, public treasury ang pinagnakawan umano samantalang sa Estrada case ay may misuse at malversation,ng pondo.

Sa kabila rin ng lahat ng nangyari, sinabi ni Sandoval na mayroon pa rin siyang trust and confidence sa Sandiganbayan.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Jinggoy Estrada, Office of the Ombudsman, sandiganbayan, Supreme Court, Jinggoy Estrada, Office of the Ombudsman, sandiganbayan, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.