Father Chito Soganub, pinilit ng Maute group na mag-convert sa Islam

INQUIRER PHOTO | Grig Montegrande

Pinuwersa umano ng ISIS inspired Maute terror group na lumipat sa relihiyong Islam si Father Teresito ‘Chito’ Soganub.

Pagbubunyag ni Zia Alonto Adiong, head ng Marawi Crisis Management Committee, iniutos umano ng mga terorista na magpa-convert sa Islam si Soganub.

Pero paglilinaw ni Adiong, hindi maikukunsiderang ganap na Muslim ang bagong laya na pari.

Kusa o voluntary kasi aniya dapat ang pagpapalipat ng relihiyon kung kaya itinuturing pa rin nilang pari ng Simbahang Katolika si Soganub.

Kahapon ipnrisinta sa media si Soganub makaraan itong masagip ng mga tauhan ng militar bunga ng intelligence project.

 

 

 

 

 

 

Read more...