Binabantayang LPA ng PAGASA, posibleng malusaw, pero magpapaulan pa rin sa Visayas at Mindanao
By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2017 - 06:32 AM
Maliit na ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa 500 kilometers East ng Casiguran, Aurora.
Ayon sa PAGASA, malaki ang tsansa na ito ay malusaw.
Gayunman, apektado pa rin ng extension nito ang Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region at Palawan.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon na makararanas lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.