Pilipinas, nakasungkit na ng unang ginto sa 9th ASEAN Para Games
Nanguna ang pambato ng Pilipinas na si Cendy Asusano sa javelin competition F54/F55 para masungkit ang unang ginto para sa Pilipinas.
Nakapagtala si Asusano ng layong 13.04 meters habang sumunod naman dito ang kapwa Pilipino na si Jesebel Tordecilla na may 12.80 meters na naitala para maiuwi ang silver medal.
Pumangatlo naman ang Vietnamese na si Tran Thi Tu habang nasa ikaapat na pwesto si Maritess Burce.
Nagwagi naman ng kanyang pangalawang silver medal ang cyclist na si Arthus Bucay sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Si Bucay ang unang nakapagbigay ng medalya sa bansa matapos pumangalawa at manalo ng silver medal sa men’s kilometer C5 track event ng cycling sa naging opening sa ASEAN Para Games sa Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.