Sa isang seremonya kahapon sa San Juan, binuo ang grupong ‘Tindig Pilipinas’ na naglalayong himukin ang pamahalaan at ang pangulong Rodrigo Duterte na irespeto ang karapatang pantao ng ordinaryong mamamayan.
Layon din ng grupo na pag-isahin ang tinig ng mamamayan upang mapagtibay ang panawagan na igalang ang buhay ng bawat isa, mahirap man o mayaman.
Kabilang sa mga miyembrong grupo ng Tindig Pilipinas ang ilang mga senador at opisyal ng Liberal Party, ilang miyembro ng Magdalo group at iba pang mga caus-oriented groups.
Ayon sa ilang miyembro ng Liberal Party, boluntaryo ang kanilang paglahok sa grupo at walang kinalaman ang kanilang partido sa kanilang hakbang.
Inaasahang dadalo sa mga aktibidad ang grupo sa September 21, Huwebes na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating pangulong Ferdinand Marcos.