Pinuno ng SRA, pinakahuling nasibak dahil sa corruption

By Jay Dones September 19, 2017 - 04:13 AM

 

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang sinibak ang isa na namang opisyal ng gobyerno dahil sa usapin ng katiwalian.

Sa kanyang talumpati sa opening ceremony ng 6th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention of Public Attorneys, sinabi ng pangulo na pinakahuling nasibak sa puwesto si Sugar Regulatory Board administrator Anna Rosario Paner.

Paliwanag ng pangulo, kanyang tinanggal sa puwesto si Paner dahil sa pagkuha nito ng maraming consultant.

Bawat isa aniya sa mga ito ay sinusuwelduhan ng 200,000 pesos kada buwan na isang malaking pag-aaksaya sa pondo ng bayan.

Sa kanyang talumpati, binalaan muli ng pangulo ang mga opisyal ng pamahalaan na iwaksi ang katiwalian dahil hindi siya mangingiming sibakin ang mga ito sa puwesto.

Nangako rin ang pangulo na lulutasin ang problema ng graft and corruption sa loob ng tatlong taon

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.