Civil Law dean ng UST, itinangging may kinalaman sa mga aktibidad ng Aegis Juris fraternity

By Jay Dones September 19, 2017 - 04:04 AM

 

Itinanggi ng dean ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law na si Atty. Nilo Divina na may kinalaman siya sa mga aktibidad ng Aegis Juris Fraternity.

Ang naturang fraternity ang nadadawit sa pagkamatay ng 1st year law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III na dumanas umano ng pahirap nang sumalang sa hazing.

Ayon sa statement ni Divina, hindi na siya aktibo sa mga gawain ng Aegis Juris Fraternity dahil matagal na siyang naghain ng leave of absence mula sa kapatiran.

Ito aniya ay mula nang maupo siya bilang dean ng Faculty of Civil Law ng unibersidad.

Gayunman, nangako si Atty. Divina na isasalang sa malalimang imbestigasyon ang kaso ng pagkamatay ng 22-anyos na law student upang malaman ang puno’t dulo ng pagkamatay nito.

Una rito, pinatawan ni Atty. Divina ng preventive suspension ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity at hindi muna pahihintulutang makapasok sa campus o sa kanilang mga klase.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.