Mga pulis sa Davao gusto ni dela Rosa na malipat sa Caloocan City
Nais ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na may pulis mula sa Davao City na ma-assign sa Caloocan City Police Station.
Kasunod na rin ito ng kontrobersiya na kinasasangkutan at ng nangyaring pagkakasibak sa lahat ng tauhan ng Caloocan City Police dahil sa ilang kwestyonableng operasyon.
Ayon kay Bato, malaki ang tiwala nya sa Davao City PNP dahil dito siya galing at alam nya kung paano mag-trabaho ang mga ito.
Pero nilinaw nya naman na, hindi sya mamimilit ng tao, hindi rin daw sya magtatalaga o huhugot ng mga tao mula sa Davao City dahil Nais nya kasing may mag-volunteer na malipat sa Caloocan City.
‘Wish’ nya, sana raw ay maraming mag-volunteer at sumagot sa kanyang panawagan kasama na dito ang mga pulis na nakatanggap ng award sa serbisyo.
Matatanddang, nahuli sa CCTV ang paglusob ng mga tauhan ng mga pulis Caloocan sa isang bahay sa kabila ng kawalan ng search warrant.
Nakita rin ang pagnanakaw ng mga ito ng mga gamit tulad ng cellphone at relo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.