Sotto nag-inhibit sa ilang imbestigasyon sa Senado

By Ruel Perez September 18, 2017 - 07:48 PM

Hindi na dadalo sa mga pagdinig ng Senado kaugnay sa shabu smuggling sa Bureau of Customs at maging sa pag-imbestiga ng kaso ng pagpatay kay Kian Loyd de los Santos si Sen. Tito Sotto.

Ito’y matapos ang kabi-kabilang ethics complaint na isinampa laban kina Sen. Antonio Trillanes at ang huli ay ang ethics complaint na isinampa laban kay Sen. Panfilo Lacson ni resigned Customs Commisioner Nicanor Faeldon kanina.

Ayon kay Sotto, susulatan niya ang mga pinuno ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Justice at Blue ribbon committee para abisuhan ang mga ito sa ganyang gagawing pag-inhibit.

Samantala, inumpisahan na umanong basahin at pag-aralan ni Sotto ang ethics complaint ni Faeldon laban kay Lacson.

Giit ni Sotto, dadaan sa regular na proseso ang reklamo ni Faeldon kung saan bibigyan muna nila ng kopya ang mga miyembro ng ethics committee para mapag-aralan.

Sakaling may sapat na basehan, saka naman ito bibigyan ng kopya si Lacson para sumagot.

TAGS: ethics, Faeldon, Gordon, Senate, Sotto, trillanes, ethics, Faeldon, Gordon, Senate, Sotto, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.