Andrea Rosal, nakalaya na

By Ricky Brozas September 07, 2015 - 09:54 PM

andrea-rosal
Inquirer file photo

Tuluyan nang nakalaya sa Taguig City Jail si Andrea Rosal, anak ng yumaong tagapagsalita ng New Peoples Army na Si Ka-Roger Rosal.

Ayon sa Militanteng Grupong Bagong Alyansang Makabayan o Bayan, alas otso y medya ngayong gabi nang makalabas ng kulungan si Rosal.

Idinagdag pa ng grupo na nakatakdang humarap sa media si Rosal bukas, September 8 ganap na ala-una ng hapon para sa isang press conference sa lungsod Quezon.

Una nang iniutos ng Mauban Quezon RTC Branch 64 ang pagpapalaya kay Rosal.

Sa kautusan na may petsang September 7, 2015 na pirmado ni Judge Rodolfo Obnamia Jr, iniutos nito ang immediate release o agarang pagpapalaya kay Andrea, akusado sa kasong murder.

Ang kautusan ay isang buwan matapos paburan ng korte ang motion to quash na inihain ng kampo ng akusado.

Nabatid na August 6, 2015 nang magpalabas ng resolusyon ang hukuman pabor sa motion to quash ni Andrea matapos nitong katigan ang argumento nito na walang ebidensya na mag-uugnay kay Andrea sa ibinibintang na krimen.

Dahil nagpaso na ang 15-araw na panahon para maghain ang prosekusyon ng apela laban sa desisyon ng korte sa motion to quash ni Andrea, sunod namang nagsumite ang kanyang kampo ng motion to release.

Nabatid na kanina lamang nilitis ang motion to release ni Andrea, at bago magtanghali kanina ay kaagad itong dinesisyunan ng hukuman.

Sinabi naman ni Atty Edre Olalia, abugado ni Andrea, na dahil nabasura na nuong nakaraang taon ang kasong kidnapping laban sa kanyang kliyente, wala nang dahilan para ito ay patuloy na manatili sa bilangguan.

TAGS: andrea rosal freed, new people's army, andrea rosal freed, new people's army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.