Abdullah, Madi at Otto Maute patay na ayon sa AFP

By Den Macaranas, Mark Makalalad September 18, 2017 - 03:10 PM

Inquirer photo

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año na patay na ang magkakapatid na sina Abdullah, Otto at Madi Maute.

Ito ay batay sa resulta ng kanilang intelligence report at interogasyon sa tatlong Maute group members na kanilang naaresto sa pagpapatuloy ng bakbakan sa loob ng Marawi City.

Nagpapatuloy naman ang kanilang operasyon laban sa grupo ni Omar Maute na siyang may hawak sa ilan pa sa mga hostages ng grupo.

Gayunman ay buhay pa rin ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon pero kumpirmadong hindi pa ito nakalalabas sa lungsod.

Binanggit rin ni Año na nasa sampung ektarya na lamang na bahagi ng lungsod ang kontrolado ng teroristang grupo.

Base sa mga intelligence report ng AFP, sinabi ni Año na aabot pa sa 45 ang mga hawak na bihag ng Maute group.

Kasama rin ng grupo ang sampung mga foreign fighters na pawang mga Malaysian at Indonesian nationals.

Pasado alas-onse ng gabi noong nakalipas na Sabado nang mailigtas ng mga tropa ng militar si Father Chito Suganob sa Bato Mosque sa Marawi City.

Kasama sa mga na-rescue ang isang guro ng Dansalan College na dinukot sa simula ng kaguluhan sa lungsod.

Bukod sa ginawang kuta ng Maute group, ilan sa kanilang mga napatay na kasamahan ang sinasabing inilibing sa bakuran na Bato Mosque ayon sa ulat na nakuha ng AFP.

TAGS: AFP, año, marawi, Maute Brothers, suganob, AFP, año, marawi, Maute Brothers, suganob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.