Dalawang araw na tigil-pasada, ikinasa ng isang transport group

By Isa Avendaño-Umali September 18, 2017 - 11:42 AM

Kuha ni Isa Umali

Panibagong malawakang tigil-pasada ang isasagawa ng Stop and Go Transport Coalition sa darating na September 25 at 26.

Ito’y bilang pagtutol pa rin sa phase-out sa mga pampasaherong jeepney.

Ayon kay Stop and Go transport Coalition president Jun Magno, nasa 90 hanggang 100 percent ng kanilang mga miyembro ang inaasahang sasali sa tigil-pasada, na tuluy-tuloy daw sa loob ng apatnapu’t walong oras.

Sinabi pa nito na naninindigan ang kanilang koalisyon na hindi nila tatanggapin ang alok na pautang ng gobyerno na anila’y kakarampot.

Agad namang humingi ng paumanhin ang Stop and Go coalition sa mga pasahero na maaapektuhan ng dalawang araw na tigil-pasada.

Kailangan umano nilang gawin iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapakinggan ng pamahalaan ang kanilang sentimyento.

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, Radyo Inquirer, Stop and Go Coalition, transport strike, metro news, Radyo Inquirer, Stop and Go Coalition, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.