Buong pwersa ng PCP 3 sa Pasay City Police, sibak sa pwesto

By Mariel Cruz September 18, 2017 - 10:51 AM

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang pagkakasibak ng buong community precinct ng Pasay City Police Station.

Sa isang panayam, sinabi ni Albayalde na sisibakin sa puwesto ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 3 sa Pasay City, kabilang na ang commander.

Ang relief order aniya ay bunsod ng isang reklamo laban sa mga miyembro ng PCP 3 kung saan ninakawan umano ng mga pulis ang isang biktima ng robbery.

Sinabi ni Albayalde na iniimbestigahan nila ang alegasyon na pinaghati-hatian at ibinulsa ng mga pulis ang na-recover na pera sa isang robbery victim.

Pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Albayalde ukol sa naturang kaso.

Noong nakaraang linggo, sinibak din ang buong Caloocan Police Station 4 dahil sa panloloob sa isang bahay sa lungsog at pagnakaw ng aabot sa P300,000 halaga ng cellphones, dalawang relo at isang wallet.

Dagdag ni Albayalde, tinitignan pa nila ang iba pang posibleng kaso na isasampa laban sa labing apat na pulis mula sa PCP 4 kabilang na ang kanilang team leader na si Senior Insp. Warren Peralta dahil sa paggamit ng menor de edad sa naturang operasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NCRPO, Oscar Albayalde, Pasay City Police, NCRPO, Oscar Albayalde, Pasay City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.