Panibagong Hurricane, nagbabantang manalasa sa Caribbean

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2017 - 09:14 AM

 

Lumakas pa at isa nang ganap na category 1 hurricane ang bagyong Maria na nagbabantang manalasa sa Caribbean.

Ayon sa pagtaya ng National Hurricane Center, maaring lumakas pa ang bagyo bago ito tumama sa Leeward Islands, Lunes ng gabi oras doon.

Huling namataan ang Hurricane Maria sa 275 miles (445 km) east-southeast ng Leeward island, Dominica taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 miles per hour (120 kph).

Babala ng mga weather forecaster, maaring maghatid ng malakas na hangin, storm surge at malakas na pag-ulan ang Hurricane Maria sa susunod na mga araw.

Maari din itong makarating sa British at US Virgin Islands at sa Puerto Rico, na kamakailan lang ay naapektuhan din ng nagdaang mga bagyo.

Dahil dito, naghahanda na ang pamahalaan ng Puerto Rico para sa pagtama sa kalupaan ng bagyong Maria.

Nagtaas na din ng hurricane warnings sa French island na Guadeloupe, Dominica, St. Kitts, Nevis at Montserrat, habang hurricane watch naman ang nakataas sa US Virgin Islands, British Virgin Islands, Saba, St. Eustatius, St. Maarten, St. Martin, St. Barthelemy at Anguilla.

Ang eastern Caribbean ay hindi pa tuluyang nakababangon sa naging epekto ng bagyong Irma.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Caribbean, hurricane irma, Hurricane Maria, Radyo Inquirer, Caribbean, hurricane irma, Hurricane Maria, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.