Biyahe ng LRT-1, nakaranas ng aberya
Nakaranas din ng maagang aberya ang mga pasahero ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1),
Ayon kay LRT-1 operations director, Engr. Rod Bolario, isang tren nila ang nawalan ng suplay ng kuryente habang nasa bahagi ng Roosevelt Station.
Kasisimula pa lamang ng operasyon ng LRT-1, Lunes ng umaga nang mawalan ng power ang isang tren nang ito ay paandarin.
Dahil dito, na-delay ng anim na minuto ang biyahe ng mga tren.
Ayon kay Bolario, agad din namang naibalik sa normal ang operasyon.
Hinatak ang sirang tren at ibinalik sa depot para kumpunihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.